An intemperate badass teenager with a mean blog.
I'm ill. I'm witty. I'm heartless.
Welcome to my silly life.
Online
I have moved to another tumblr blog. Well, I just hope I would make some sense there. Apart from that, I won’t deactivate this blog. So, yeah. Just sayin’. If you wish to see the new one, look for it. Or message me if and only if you’re interested. Hehe. x
Kahit hindi naman talaga. Nakakainis. At syempre, masakit. Lalo na’t nanggaling sa nanay ko ‘yon. Hindi dahil sa totoo, pero hindi naman kasi totoo. Alam mo ‘yun. Parang siya lang gumagawa ng rason para magalit sa’kin. Na kahit anong gawin ko, hindi niya ma-appreciate. Pag pini-PM ko pa sya minsan, hindi niya ako pinapansin. Sa tingin niya ba hindi ako nasasaktan? Na akala niya, wala lang sa’kin ‘yon. Tangina hindi eh.
Oo nga’t pinapaaral, pinapalamon at tinutustusan niya ang mga pangangailangan ko. Pero sa tingin ko ginagawa niya lang ‘yon kasi ‘yun ang obligasyon niya sa’kin. At kung hindi dahil sa obligasyon na ‘yon, malamang eh wala siyang pakialam sa’kin. Yung pakiramdam na, wala kang maramdamang pagmamahal mula sa nanay mo? Wala nang mas sasakit pa dun.
Lagi na lang kaming ganito ng nanay ko. Nakakasawa na. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Anak lang ako. At nanay ko siya. Kailangan ko siyang unawain kasi mahal na mahal ko siya, eh.
My college friends.
Sila ‘yung palagi kong kasama. Mapa-kainan, tawanan o kagaguhan. Though magkakaiba kami ng personality, nagkakasundo kami. One thing I like the most about them, napaka-generous nila. As in. They’re always there to lend a helping hand. They will always be one of the best part of my college life.
NIGHTNIGHT by DEDDY